Zairyū Shikaku Nintei Shōmeisho (在留資格認定証明書) Certificate of Eligibility
Dokumentong iniisyu ng isang immigration office sa Japan upang sabihin sa Japanese Embassy sa Pilipinas na ang taong nasa dokumentong ito ay pasado sa mga requirements para makapasok sa bansa.
Rōmaji | Japanese | English | Image |
---|---|---|---|
Zairyū Shikaku Nintei Shōmeisho | 在留資格認定証明書 | Certificate of Eligibility (COE) | 🖼️ |
Ang validity ay 3 months mula sa issue date hanggang visa application date.
Ang pormal na translation ay “Certificate of Recognition of Status of Residence.”
Kasama ang dokumentong ito na ipinapasa sa Japanese Embassy para sa application ng visa. Kahit na mayroon nito ay may posibilidad pa ring hindi mabigyan ng visa, base sa desisyon ng Japanese Embassy sa Pilipinas.
Sino ang may kailangan?
Kailangan ito para sa application ng mga “mid- at long-term” visa ng kagaya ng student, dependent, employee, o technical intern trainee.
Hindi ito kailangan ng mga short-term visitor na kagaya ng turista.
Sino ang maglalakad?
Para sa student visa, ang maglalakad nito sa Japan ay ang school na pag-aaralan; kung dependent visa, ang maglalakad nito ay ang asawa (o magulang); kung working visa ay kumpanya na papasukan; kung technical intern trainee ay ang supervising organisation (kumiai).
Ipapadala ito sa aplikante sa Pilipinas para i-submit sa Japanese Embassy kasama ng ibang papeles para sa application ng visa.
May nakasulat na ganito sa papel na ito:
1. This certificate is not an entry permit. Even if you have this certificate, you are not admitted to Japan unless you get an entry visa at a Japanese Embassy of Consulate abroad.
2. This certificate should be submitted to an Immigration Inspector with an entry visa for the landing permission at the port of entry, and shall cease to be valid if the application for landing permission is not filed within 3 months from the date of issue.
3. This certification does not guarantee the entry of the person concerned. In case that an applicant does not fulfill other requirements for landing or the relevant circumstances are found to be changed, the landing permission would be denied.