Zairyū Kādo (在留カード) Residence Card
Identification Card na iniisyu ng Ministry of Justic sa dayuhang mid-term o long-term na residente ng Japan, sa oras ng pagpasok sa bansa (sa airport).
Rōmaji | Japanese | English | Image |
---|---|---|---|
Zairyū Kādo | 在留カード | Residence Card | 🖼️ 🖼️ |
Kailangang dala ito palagi (sa halip na passport) at kailangan ipakita sa pulis kung gusto nilang makita.
Hindi ito iniisyu sa short-term visitor na kagaya ng turista o visiting relative. (Ang short-term visitor ay kailangang dala-dala palagi ang passport sa halip na residence card.)
Kung magre-renew ng visa ay iisyuhan ng bago ng immigration office.
Nakalagay sa Residence Card ang:
- Residence Card number
- Name
- Date of birth
- Sex
- Nationality
- Address
- Status of residence
- Work restriction status
- Period of stay (date of expiration of visa)
- Type of permit
- Date of permit
- Date of issue
- Period of validity of card
- Picture