Mga librong hindi matapos-tapos basahin

Mahilig akong bumili ng libro. Pero kadalasan ay kulang sa oras para magbasa kaya maraming libro ang hindi natatapos nang tuluyan, tapos dumadami nang dumadami pa lalo ang mga ito.

Na-imagine ko, sa hindi malayong hinaharap matandang uugod-ugod na ako, at namatay ako dahil nadaganan ng isang bookshelf at natabunan ng mga librong hindi ko pa nababasa. “Hindi pa ako puwedeng mamatay! Hindi ko pa nababasa ang mga libro ko!”

Wind-up Bird Chronicle by Haruki Murakami

Wind-up Bird Chronicle by Haruki Murakami
Wind-up Bird Chronicle by Haruki Murakami

May malabo akong alaala na natapos kong basahin ang Norwegian Wood ni Murakami pero hindi ko na matandaan ang buong kwento. Siguradong hindi ko pa natatapos ang Kafka on the Shore (hindi ko mahanap para piktyuran) at itong makapal na Wind-up Bird Chronicle.

Hindi ko pa madesisyonan kung gusto ko nga ba o hindi si Murakami, at may suspetsa akong may nawawala sa translation mula Japanese papunta nang English. Kailangan ko sigurong basahin ang original.

Anyway, ang huling natatandaan ko sa librong ito ay hinahanap ng lalaki ang nawawala niyang pusa. O ibon? Hindi ko na matandaan.

Love in the Time of Cholera by Gabriel Garcia Marquez

Love in the Time of Cholera by Gabriel Garcia Marquez
Love in the Time of Cholera by Gabriel Garcia Marquez

Nagustuhan ko si Marquez nang nabasa ko ang maikling kwentong “A Very Old Man with Enormous Wings.” Gusto ko ang style ng pagsusulat ni Marquez, at ang feeling ko ay walang nawawala sa translation sa English mula sa Spanish (o baka magaling lang ang translator?).

May panahon na binasa ko ang librong ito nang walos walang hinto hanggang sa pinakagitna (sa aking alala) dito sa passage na ito:

Crushed by grief, she prayed to God to send her death that night while she slept, and with that hope she lay down, barefoot but fully dressed, and fell asleep on the spot. She slept without realizing it, but she knew in her sleep that she was still alive, and that she had half a bed to spare, that she was lying on her left side on the left-hand side of the bed like she always did, but that she missed the weight of the other body on the other side. Thinking as she slept, she thought that she would never again be able to sleep this way, and she began to sob in her sleep, and she slept, sobbing, without changing position on her side of the bed, until long after the roosters crowed and she was awakened by the despised sun of the morning without him. Only then did she realize that she had slept a long time without dying, sobbing in her sleep, and that while she slept, sobbing, she had thought more about Florentino Ariza than about her dead husband.

Pero noong hinahanap ko ang page na ito sa may gitnang parte ng libro pagkatapos ng ilang buwan, hindi ko mahanap. Eventually, nakita ko ito sa may unang 1/5th ng libro at hindi sa gitna, kaya malayo pa ang kailangang basahin.

Swann’s Way by Marcel Proust

Swann’s Way by Marcel Proust
Swann’s Way by Marcel Proust

Natatandaan ko na gusto ako ang librong ito, bagong translation ni Lydia Davis ng original na French. Kaso nawala sa mga helera ng mga libro sa bookshelf at nalimutan na nang tuluyan hanggang ngayon ko lang ulit nakita at nahawakan.

Itong Swann’s Way ay una sa seven-volume(!) na In Search of Lost Time ni Marcel Proust kaya kung hindi ko pa natatapos itong una, malabong matatapos basahin ang buong series.

One Hundred Years of Solitude by Gabriel Garcia Marquez

One Hundred Years of Solitude by Gabriel Garcia Marquez
One Hundred Years of Solitude by Gabriel Garcia Marquez

Many years later, as he faced the firing squad, Colonel Aureliano Buendia was to remember that distant afternoon his father took him to discover ice.

Ang librong may opening sentence na ganito ay kailangang basahin hanggang dulo.

Akala ko magandang pagsabayin ang dawalang libro ng parehong author. Hindi pala. Kaya hindi rin matapos-tapos ang librong ito. Hindi sa hindi maganda, napuputol-putol lang kaya kailangang basahin ulit sa umpisa.

“Yan ba yung may sanggol na kinain ng langgam?” sabi ng asawa ko. “Binasa ko yata yan nung high school.” Sige.

Hindi ko alam kung ito yung librong may sanggol na kinain ng langgam, pero kung ito yon, hindi pa ako nakakarating sa parteng yon.

Alam ko may isa pa akong ganitong libro na iba ang cover pero nagtago yata at hindi ko makita.

Snow Country by Yasunari Kawabata

Snow Country by Yasunari Kawabata
Snow Country by Yasunari Kawabata

Ilang taon ko nang binabasa ang manipis na librong ito, pero hindi pa rin matapos-tapos. Siguro dahil wala masyadong action, at maiikli ang mga sentence, at nalilimutan ko ang kwento at kailangang basahin ulit mula sa umpisa.

Feeling ko si Kawabata ay parang Hemingway, kung si Marquez ay parang Steinbeck. Mas gustong kong author si Steinbeck: mahahaba ang sentence, maraming descriptive passages.

May Japanese version ako ng librong ito at ang opening passage ay may tatlong maliliit (at jarring) na sentence.

国境の長いトンネルを抜けると雪国であった。夜の底が白くなった。信号所に汽車が止まった。

Dahil manipis lang ang librong ito, naisip ko na matatapos ito sa pagbabasa sa maiksing oras na nasa loob ng toilet. Mali. Kailangan yata na mas matinding concentration kaysa sa kayang gawin sa loob ng toilet para makuha ang essence ng librong ito.

At malamang kailangang basahin nang isang pasada para matapos.

Catch-22 by Joseph Heller

Catch-22 by Joseph Heller
Catch-22 by Joseph Heller

Una kong binasa ang librong ito noong high school, pero mas binigyan ko ng pansin ang mga libro ni Steinbeck kasa hindi ko natapos. Ngayon meron na naman ako nitong libro, at hindi ko pa rin matapos, haha.

Medyo comedy ang librong ito at hindi boring, pero for some reason hindi pa rin matapos-tapos.

Dahil siguro sa maraming libro ang binabasa nang sabay-sabay? Nakakalimutan? Walang bookmark? Busy sa trabaho?

Itong maliit na listahan ay mga librong nasimulan na pero hindi pa natatapos basahin. Pero bukod dito, marami pa akong libro na hindi pa nasisimulan. Iba pang usapan yon.